Nov 26, 2007

Kwentong Barbero (KB) 00

~Umaga ng Lunes~

*Plaaaak!*

Isang tipak ng tae ang lumanding sa kanang balikat ni Pip.

“Kapul! Hahaha.” sigaw ni Arman.

Napahinto si Pip sa paglalakad at pinagpag niya ang tae sa balikat ng parang balakubak lang.

Sabay tikim sa kumapit na tae sa kamay. “Hmm.. Tae ng kalabaw!”

“Haha.. tama!” sagot ni Arman at kumaripas ng takbo papalayo.

Hinayaan lang ni Pip si Arman na kumaripas ng takbo na parang walang nangyari.

~ Ang history ~

Si Pip at Arman ay magmortal na kaaway. Ito ay nag-ugat sa isang karumaldumal na pangyayaring ikinasawi ng kanilang mga ama. Ang ama ni Arman na si mang Chuck ang pinakamahusay na tagasipsip ng poso negro sa bayan. Lahat ng klase ng tae ay kaya niyang hawakan, Simula sa malatubig na tae hanggang sa pinakamatigas at pinakamahaba na tubol. Si mang Chuck lang ang nagiisang tanging nakakasipsip ng poso negro na walang ibang gamit kundi ang kanyang sariling mga kamay. Dito namana ni Arman ang kakayahang niyang humawak ng kahit anong klase ng tae.

Salamanta naman ang ama ni Pip na si Dok Bok ay isang tanyag na kolektor ng iba’t ibang uri ng tae. Sa kanyang laboratoryo ay nakatambak ang sandamukal na uri ng tae. Mula sa simpleng tae ng ibat ibang uri ng aso hanggang sa pinakakakaibang uri gaya ng tae ng Santa Cruz Long-toed Salamander. Bata pa lang si Pip ay mulat na siya sa laboratoryo ng kanyang ama.

Ang ama ni Pip at Arman ay magkatoto o magbespren nung sila ay nabubuhay pa. Kapag magkasama si mang Chuck at dok Bok ay humihiyaw pa ang mga taong bayan. Malayo pa lang ay ramdam na ng mga tao na paparating na silang dalawa dahil sa mapaglarong amoy na kumapit sa hangin sa paligid ng dalawa. Minsan pa nga ay di maiwasan ng mga tao na sabihin ang katagang “Oh shit!!” sa lakas ng impak nilang dalawa. Sa katunayan, binansagan sila na T.T.D o “The Tae Duo” ng taong bayan.

Itutuloy…

1 comment:

nielstrail said...

magaling kaibigang kapow... ang iyong istorya ay aking susubaybayan kasabay ng aking pagsisimula sa sarili kong "kwentota" na naudlot noong mga nakaraang panahon. hehe